Total Pageviews

Monday, January 17, 2011

are you still proud to be?

being a Filipino is like..
- ?
- ?
- ?
WHAT?!
wala tayong masabe dahil tayo mismo madalas tinatanggi natin na tayo'y Filipino. tama ba? (sapak ang tumanggi) kagaya nga ng last blog ko. ang isang half japanese at half  filipino,mas pinili nyang ipakilala ang sarili niya bilang japanese, samamtalang namamalagi naman sya sa bansang kinatitirikan ko ngayon. oh see!
hindi na ba kayo nahiya sa tuwing kinahihiya nyo ang sarili nyong lahi? at worse is dyan pa kayo nakartira..
 mah men! what's happening?!  gising naman oh!!

at heto pa.. ang isang problema ng mga pinoy ngayon..

sa twing dadaan ako sa kalsada makikita mo ang mga taong dumudura/ nagkakalat sa tabi ng mga kalsada. kung pwede lang pulutin ang bawat kalat nila, ginawa ko na!
oo, aaminin ko nagkasala din naman ako sa sarili kong bayan pero itinatama ko naman to eh..

kaya nga, alam mo bilib ko sa teacher ko nung high school na si Dr. Edgardo Magbitang dahil hindi magsisimula ang mathematics subject namin hanggat wala kameng values session. minsan, aminin ko kaboring na to, ubber!pero i love it! dahil maniwala kayo sa hindi sya ang naging dahilan kung bakit nagising ang dugo kong Filipino. amazing diba?!

hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nasa harap ng website na to at nagpapagod mag type na alam ko naman na walang nagbabasa. tingen mo, bakit kaya? siguro dahil gusto ko lang ilabas ang nasa loob ko at ang bawat pangyayaring umiikot sa loob ng utak ko.  dahil kung sasabihin ko naman 'to sa mga kaibigan ko, alam ko pagtatawanan lang nila ako at hindi seseryosohin. agree?! (applause)

pero.. alam mo.. oo,ikaw na nagbabasa nito (kung meron man) masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako habang gumagastos sa internet shop habang sinusulat ang mga sanaysay na ito..



masaya ako... (ubberr!)

2 comments:

provie said...

ako lang ang tagahanga ng sarili ko:) pero.. masaya ako, oo! maniwala ka man o hindi..

Anonymous said...

i like ur blog..