Total Pageviews

Saturday, June 18, 2011

timpi

Sinikap ng araw
na kimkimin ang
singaw sa ere
isinuka sa lupang
sintuyo ng iyong
pakikitungo.

Ginustn ng mga diyoses
na kimkimin
ang sala ng mortal
delubyo ang naihagis
sa sangkatauhang
sintaas at
'sin ingrato mo.

Pinilit kong kimkimin
ang galit at poot na
naipon sa haba ng
panahong pinagsama.

Ihahampas ko na lamang
ang plorerang gaya
mong inutil kung
ako'y wala.

No comments: