Total Pageviews

Sunday, July 24, 2011

magdiwang sa dalawa't kalahating taon na pagsasama!








Inilapat ang labi sa kulay pula
na rosas na 'yong inalay
sagisag ng pula
ang damdamin mong masigla
labi na kulay macopa,
minsan lang bumuka
bubuka lamang t'wing aawit ng pagsinta
na tila nagsasabi..
"halika't damhin natin ang pagsasama"

Hinagkan ang isang dipang libro
na 'yong regalo
bawat pahina'y lama'y ligaya
mag karakter na binuklod ng pag-asa
hinawi ng mga salita
ang lunkot na nadarama
tuluyang namutawi ang saya!

Niyapos ang "pick" ng gitara
na mula sa'yo, aking sinta
simbolo na minsa'y nagsama
sa pag-awit ng di matatawarang ligaya
bawat kumpas ng gitara
haaay.. kay sarap sa tenga!

Lumipas ang isang buwan
ikalawa, ikatlo, umabot ng taon
araw-gabi ay lab yu mo aking baon
at rito sa puso ko'y makakahon

Walang pinabago..
naglilihab mong damdamin
naroon pa rin
dagat na sin-lawak yaring pag-ibig mo
di matanaw ang dulo
isama pa riyan ang pangako
ng 'sang tulad mo

Heto na! ang unang buwan ng ikalawang taon
ikalawa, ikatlo, at umabot na nga
sa ika-anim na buwan at dalawang taon
oh! kay sarap damhin tagal ng pagsasama
hindi ba?
subalit nasaan ka?
nar'yan pa ba, aking sinta?

Muli't-muli'y binuksan ang kahon na yari sa tabla
unti-unting inilapat ang naluluhang mata
ayoko! ayokong makita sabi ni mata
subalit kailangan
paano natin malalaman?

at muli..

Inilapat ang labi sa kulay patay
na rosas na 'yong inalay
dumating na ang pagkalanta
tulad yaring damdamin mo..
natutuyo na

Hinagkan ang isang dipang libro
na 'yong regalo
wala ng say-say mga ito
burado na ang mga letra
may pakinabang pa ba?
kawangis ng damdamnin mo..
bumibigay na

Dagat na sin-lawak yaring pagsinta mo
di matanaw ang dulo
subalit kaibigan, oo, may hangganan nga ito
wala ng alon para sa tigang mong lupa
kalunos-lunos na lupa
nilisan na ng tubig nya
tulad ng 'yong damdamin..
matamlay na

ka'y gulo ng isipan
di mawari ang pangyayari
balit?! bakit naganap, yan ang sabi
anong kulang, anong sobra
yan ang tanong ni maria
aking adan ako'y nilisan na nga ba?
kung gayo'y paano na
ang dalawa't-kalahating taon na pagsasama
tuluyan ng nagapos sa ala-ala




- provie
06/07/11
11:45 pm

No comments: