Adrenaline Rush part II
(para kay kuya "ED" NIWRE DAVID )
"NAKIKIUSAP NA PO AKO"
Look what you've done!
Anong ginawa mo?! Pasigaw na tanong sa sarili. Bakit hinayaan mong makiusap pa sya para sa sarili nyang oras?! Oo na, alam ko ako ang mali. Lumulubog na nga ako habang hinihingi ang kapatawaran nya. Pero hindi sana sya galit ngayon kung hindi mo ginawa ang bagay na yun at hindi mo gagawin ang bagay na yun kung nagawa nyang magsabe na "Pagod ako. Magpapahinga na." Ang kaso hindi nya obligasyon na sabihin sayo ang mga bagay-bagay na ginagawa nya. Yah right! Who do you think you are? Close kayo? Anong alam mo tungkol sakanya? Marami, bakit?! una, alam ko ang panagalan nya. ikalawa, alam ko ang pangalan nya at ikatlo, alam ko ang pangalan nya. Alam mo lang kung "ANO" ang pangalan nya at hindi sa kung "SINO" sya sa pangalan nya.
Mabait ba sya? Oo naman, mabait sya (itatanong ko pa lang, alam ko na ang isasagot mo) Naniniwala ka ba na ang lahat ng tao ay mabait at the same time lahat ng tao ay sinungaling din. Eh ikaw mabait ka ba? Hindi ah! (irony) Lahat ng tao sasagot ng "OO" sa tanong na yan (pusta ko pa buhay ko eh). Ang kaso nga lang.. Madalas sa "OO" nila ay kasinungalingan. Yun ang reality. Bumalik tayo sa taong nagalit/nainis sa bagay na ginawa mo. Bakit ka ba naba-bother? Isa lang naman syang boses tuwing ala-una hanggang alas-tres ng hapon tuwing lunes hanggang byernes at tuwang tuwa ka sa t'wing sasapit ang araw ng sabado hindi dahil sa walang pasok kundi dahil napapahaba ng isang oras ang buhay nya sa iyong radyo.
Araw-araw mong hinihintay ang boses nya tuwing ala-una at ayaw na ayaw mong dumarating ang alas-tres ng hapon (dahil hanggang dun na lang ang buhay nya sa araw na yun). Masakit man sa tenga ang earphone mo na madalas ng pumalya pero tuloy pa rin ang iyong suporta. Pero mas masakit sa mata ang mensahe na iyong nakita. Oo, galit sya, Hindi nya sinasabe pero pinaparamdam nya. (nagmamanifest ang kilos sa nararamdaman) AWTS hindi ba? (kulet kasi eh) Nagwoworry ako not because sya si "ED" na nagagalit sakin rather nagwo-worry ako dahil may taong galit sakin. Who cares kung sino man sya, Ang point is "may taong galit sayo" Yun ang punto! Oh ala-una na bakit di mo pa hawak ang cellphone at earphone mo? Dont tell me nagsawa ka na sa boses nya (tawa). Undoubtedly, Syempre hindi. Dyan naimbento ang salitang imposible. Nahihiya lang ako pakinggan ang boses nya. Hindi ka naman nya naririnig, Ano ka ba?! Nasa kanya ang mikropono at wala sayo, yan ang tandaan mo. Besides, hindi naman nya alam kung nakikinig ka sakanya or hindi eh. What's the difference?!
So.. Nagbigay ba sya ng tiwala? Isa pa yan! Pinagkatiwala nya ang 11 digits na number sakin kaso hinayaan kong nawala ang binigay nyang tiwala. Napahirap kunin pero napadaling nawala. Sayang talaga! Oh yan ka na naman nalaman mo na naman ang salitang sayang. Tsk Tsk Tsk.. Bute pa ang alamin mo ay kung paano ka gagawa ng hakbang upang manlamig ang ulo nyang umiinit. Sa t'wing nakikita ang pangalan mo sa cellphone nya habang nagriring, nakakairita hindi ba? Pero sana tulad ng umpisa.. Magbigay ka ng panibagong tiwala at aking tinitiyak na hindi ko na iwawala. Kasalanan mo kung bakit sya galit.. Kasalanan mo kung bakit nagkukulang ng 30 minuto ang tulog nya.. Konti na lang talaga.. Bibigay na... Salamat at nakilala kita hindi lang bilang "PK" kung hindi bilang "ED"
Salamat sa pagsagot ng telepono..
Salamat sa mga payo..
Salamat sa katagang ito..
"WAG SISIHIN ANG BUONG PAGKATAO"
-provie
08/15/11
No comments:
Post a Comment