Ang pag-ibig natin tila isang awit
matatapos dito, tutuloy sa langit
mabuhay sa mundo na ating inukit
kasiyahan walang ispasyo ang pait
nais gumising sa bisig ng iyong lilim
hagkan ako hanggang sumapit ang dilim
araw ay dumating sa ilaw na itim
ang magsing-irog walang takip lihim
ang pag-ibig mo sa Diyos ay dalangin
ikaw at ikaw man, unos ma'y dumating
ika'y makapiling walang nanaisin
bukas na darating sana'y ako pa rin
o4.27.10
o3:22pm
1 comment:
this note goes to the one i love. im happy because it ended :)
Post a Comment