Sa pagdilat ng aking mga mata tinungo ko ang kubeta upang ,ag-ayos at humanda sa araw na darating. Lumiwanag ang sanlibutan nang binuksssan ang bintanang pununo ng makakapal na alikabok. Umaga na pala! Matapos ang matagal na pag-aayos sa sarili ay handa na akong lumabas ng bahay. pagkakita pa lang sa daan ay naroon na ang mga sasakyan, iba't-ibang uri ng sasakyan. Mga magagarang sasakyan (tulad ng Mercedez Benz, BMW at.. at wala na akong alam na iba pa, hindi naman talaga ako pamilyar sa iba't-ibang uri ng sasakyan na animo'y mga hari ng kalsada. Naritan rin ang mga trycycle na kung maningil ay napakamahal! para bang sumakay ka lang sa may kanto at bababa di sa kabilang kanto ay trenta na kaagad ang singil sayo. mabuti pa nag mga jeepney. Pitong piso lang, solve ka na! Ayun nga lang hindi ka ibababa sa mismong pupuntahan mo, maglalakad ka pa rin kahit papaano. pero oks na rin to kaysa naman magbayad ka ng trenta pesos, pang burger na rin yun at isang pop cola (ohh lala) busog ka pa! Sa t'wing nasa labas ka ng bahay.. Tiyak! kung ano-ano ang makikita ng iyong mga mata. Mga iba't-iabang sari-sati store na may binebentang tig-pisong mantika na nakaplastik, mga babaeng naglalaba-dami sa harap ng bahay gamit ang pahirapang poso para lang makagamit ng tubig at kapag napadaan ka naman sa harapan ng eskwelahan, swerte mo kung makakita ka ng mga magagandang binibini, dun pa lang solve na ang mata m at tuwing sasapit ang hapon nandyan na ang mga tindero ng fishball, kikiyam, mani at syempre ang pabrito kong chicken skin. hahahaaay... halos tumaas ang cholesterol ko sa pagkain na yan pero di pa rin tinatantanan.
Halos yan lang ang pangyayari sa makulay (should i say 'makulay?') kong buhay (of course, you should say 'makulay') Kukafat na ang dilim matatapos na naman ang isang araw sa aking mga mata unti-unting nawawala ang liwanag sa daan, pinapatay na ang mga ilaw ng bawat tahanan na aking nadaraanan.
Oras na naman ng pahinga sa bawat iniisiip na mga bagay-bagay. Muli, Ipipikit ko na naman ng matagal ang aking mga mata na bukas ay mumulat muli at ganoon na naman routine..
haayyy.. pero sa bawat araw na dumarating baon ko ay ngiti at Diyos ang aking kasapi.
No comments:
Post a Comment