“Whooo! Ayos ito ah!”
Bugggs! Muli akong nakaramdam ng pagnanais, pagnanais na muling sumulat. Dahi sa isang aritkulong aking nabasa. Hindi lang sa pag-ibig kung hindi sa reyalidad sa pang araw-araw. “Napaikli ng pag-ibig, Napakatagal ng paglimot” Isang linya sa mahabang sinulat nya (o kung kanino man nanggaling yan). Hindi sa kadahilanan na gusto ko sya kaya’t gusto ko na rin ang mga bagay-bagay na ginagawa nya (tulad ng pagsulat at pagsasalita sa aking radio). Natitiyak ko yun, hindi ko sya gusto. Marahil, Katulad ng istilo nya ang aking pagsulat kaya’t ganoon na lang ang aking pagnanais na makilala sya higit pa sa kung sino sya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya habang ka-jamming ang aking bolpen at papel. Marami ang negatibong naiiwan sa akin sa araw-araw na nilikha ng Diyos subalit iba sya, napakapositibong tao (yan ay pananawa lang naman ng isang tulad ko base sa pagsasalita nya). Hindi naman talaga ako interesado sa kung anong mayroon sya. Sapat na sa akin na naririnig ang kanyang boses sa isang istasyo ng radio noong araw. Noon yun, Mga panahong hindi ko pa sya nakakausap at wala pa akong alam na mahilig rin pala syang sumulat. Sya (ibig kong sabihin ang pagsusulat nya) ang dahilan kung bakit nabuhay na naman muli ang aking pangarap na makabuo ng isang malikhaing libro.
Basta hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Ninais ko rin minsan sumigaw, Mainis sa mga iniidolong manunulat. Dahil sa inis na nanalagi sa akin noon. Inis na kung bakit ba napakagaling nila at sadyang hindi maabot ng aking utak ang mga bagay na naisulat nila. Tipong masasabi mo na lang “Oh! Ang galing ah! Naisip nya isulat yun” Subalit sa araw-araw na pang gastos sa isang internet shop para makabasa ng mga bagong artikulo ay may natutunan ako. “lilikha ka ng isang bagay gamit ang sarili mong imahinasyon at hindi dahil sa iniidolo mong iyon”. Balang araw makakabuo ka ng isang napakagandang likha na sarili mo lang ang katuwang mo. Puso, utak, damdamin at pagnanais ang bumubuo sa sarili mo – ayan ang katuwang mo sa pag-abot ng iyong mataas na pangarap. Madalas kong sinusubukan pasukin ang napakagandang mundo ng pagsulat subalit mas madalas ko itong sinusukuan. Marahil napanghihinaan ng loob, Nauubusan ng tinta ang bolpen, auubusan ng papel (na hindi ko ginagawan ng paraan). Naghahanap ng dahilan para sumuko. Kesyo walang ganito, walang ganyan. Pero dahil sa mga nababasa kong kung ano-ano, kung sino-sinong karakter ang naroon ay para bang may bulong na nagsabi “Kaya mo rin yan hindi mo lang sinusubukan”. Akala mo kung sino kung maka-bulong. Hindi kaya ganoon kadali magsulat. Try mo! Sumagot ang bulong “ Hindi kaya mahirap, Ang sarap kaya, Try mo!”. (Natatawa (mukha akong tanga) na ako habang sinusulat ito).
Iniisip ko kung ano nga bang dahilan kung bakit ko gustong makilala sa larangan ng pagsulat. Para sa kasikatan, para sa pamilya, para sa mga kaibigan, para sa minamahal? Oo, lahat ng yan ay isang tuldok lang sa nakapalaking dahilan kung bakit ko ninanais na magsulat – Para sa sarili ko, sa ikabubuo ng pagkatao at sa kaligayahan na dinudulot nito. Pero sabi nga ng isa kong tito “Kung yayaman ako at magiging sakim, wag na lang. Masaya na kong nakakaraos at nakakatawa sa araw-araw. Makikigaya lang ng motto (daw) “Kung sisikat ako at magigng hambog, wag na lang. Masaya na ako sa piling ng bolpen at lapis ko”. Tama nga naman ano? Anong saysay ng kasikatan kung mawawala lahat ang dating ‘ikaw’? Okey. Okey. Balik tayo sa artikulong nabasa ko. Sa totoo’y kani-kanina ko lang nabasa ang gawa nya pero last, last year pa naka-post sa blog nya. Although, Hindi ako maka relate sa ilang bagay na binaggit nya sa kanyang blog (malamang eh sa buhay nya yun). Nakakaintriga na lang. Tipong ang sarap pakisamahan ng mga taong katulad mo mag-isip (kung katulad nga). Kung may pagkakataon lang ako na makasama ko sya. Aalamin ko kung saang parte ng utak nya nanggagaling ang mga bagay na naiisip nya. Hindi sa kadahilanang gusto mo lang magyabang dahil may nakakasama kang dj (nakaka-proud nga bay un? –parang hindi naman). Basta ang alam ko hindi na ako susuko sa pagsusulat simula ngayon. BOW!
No comments:
Post a Comment