Total Pageviews

Friday, September 9, 2011

para sa mga gago

Ako'y may ikikwento
Ito'y garantisadong totoo
Tungkol ito sa kakilala ko
Na sobrang laki ng ulo

Gusto niya'y bida sya lagi-lagi
Kayabangan sa kanya'y napakadali
Ngunit huwag na huwag kang magkakamali
Ni hindi nya alam ang unlapi

Kung sa chicababes, marami ang ugok na ito
Alam kaya nila na ika'y manloloko
Hindi nila alam sya'y isang gago
Isang engkanto na nagkatawang tao

Sa salita ito ay napakagaling
Subalit huwag ka, tuwing o2.3o na
Tsk. tsk. tsk. naku inday ika'y mapapailing
Nakalimot na siya bago ka pa humiling

Hari sya ng promises
Pero kinawawa ang kanyang princess
Feeling nya siya ang da best
Minsa'y gusto kong batuhin ng desk

Hay naku, tingnan mo nga naman
Talagang hindi mo maintindihan
OMG! Dinadaan ka sa banalan
Ayan tuloy gusto ko ng batukan

Simpatya at tiwala pilit kinukuha
Sa tulad mo na isang dukha
Umaagos mong luha sa iyong mga mukha
Hinawi na nga ba? kitams wala syang awa

Bato-bato sa langit
Tamaan wag magalit
Pero kung sa galit ika'y nagngingitnit
ooops! teka, teka, ayaw ni Lord ang ugaling pangit

Marami pa sana akong isusulat
Na siguradong inyong ikagugulat
Ngunit baka sumambulat
Pinakatatago niyang baho at kalat

Sa pagsusulat ako'y titigil na muna
Ang aking bolpen ay ipagpapahinga
Dahil ang araw ay papalitaw na
Hindi na naman ako pinatulog ng aking insomia


www.google.com

No comments: