“kapag umuulan pinakamasakit ang alaala”
-Ricky Lee
Sa t’wing umuulan kasabay binabalik ang mga alaala
Sa t’wing umaagos ito sinasabayan ng buhos ng luha
Sa t’wing pumapatak sinasambit ang salitang “paalam”
Sa t’wing tumutulo tinatangay ang mga liham
Buhay pa ba sa iyong isipan ang bahay na bato
Kung saan ang nabuo ang mga pangarap
Eh si Bart, Ang pandak at itim na aso
Ang dapat na unang bunga ng mga pangarap
-Ang basketball ring sa tapat ng bahay
-Ang pulang kotse na madalas mong sandalan
-Ang bulok na gitara na lagi mong hawak
-Ang paghiga mo sa sofa ng bahay
-Ang manga sa tapat ng paaralan
-Ang bughaw na blanket
-Ang pagsampay ng puting uniporme
At ang awiting..
“kahit maputi na ang buhok ko”
Ang mga bagay na saksi ng paglisan mo
Ang hagdan sa building ng paaralan
Ang polo shirt mong napuno ng luha ko
Ang kamay na kinuha mo sa iyong paglisan
Si Marlo sa pag akyat sa leeg ng Giraffe
Si Salvie ang tahimik na naglaro sa swing
Saksi sa iyong kasiyahan, kalayaan, pagmamahal
Si Provie nanatiling nakatanaw sa iyo..
At nakatanaw parin sa ligayang natatamasa mo..
03/31/12
12:36 pm
No comments:
Post a Comment