Total Pageviews

Sunday, August 26, 2012

HAHANAPIN KITA ULIT


nasaan na ang ligaya ng kahapon?
nilimot na nga ba ng panahon?
kaya nga ba ganito na tayo ngayon?
na tila hindi kilala ang noon?

hindi ko sinasadya na umabot sa ganito
patawad, hindi ko kaya tumingin ng diretso
maaring hanggan dito na lang tayo
iwan mo sakin ang masarap na ngiti mo

mananatili ang lakas ko sa bawat halakhak mo
sa bawat gabing nasasakal ako
tila titigil ang paghinga dahil sayo
hahamplusin mo parin ang likod ko
magmimistulang gamot ng sakit na 'to

sa uulitin, pangako ko..
sabay uulit ang pagtawa
ang walang katapusan na pagsasama
at ang masarap na tawa
kahit wala ng hingahan pa..




ngumiti ka pa rin para sakin.
paalam na.


08/27/12
10:04AM

No comments: