Total Pageviews

Wednesday, December 26, 2012

Boy, San cha?


hindi ko ninais na lumayo ka
hindi ko hiniling na magmahal ka ng iba
hindi ko ginustong makita ang pagpatak ng luha mo
hindi ko na sinadyang magkaganito tayo

maniwala ka, sinungaling ako!
tamin mo sa utak mo, duwag ako!
wala akong naidulot na mabuti sayo
masama akong tao tulad ng mga tinutukoy mo

isa lang naman ang totoo..
ang mga pumatak na luha sa mata ko
tanda ng tunay na pagmamahal ko
kahit mismo ang langit saksi dito

isa lang naman ang di ko masabi
na bumalik ka na, sabayan mo ko sa pagtawa
sa paggising sa umaga na magkadikit ang tenga
sa mga gabi na labis ang ligaya

gusto ko pa! 
na marinig sya, ang makulit na tawa
ang walang tigil na pagtakbo nya
sa apat na sulok ng kama
at ang walang humpay na pagtatanong nya..


"BOY, SAN CHA?"



07/09/12
11:56 am

No comments: