Total Pageviews

Thursday, January 17, 2013

LAMESA


wala akong hinihintay kundi ikaw lang
nakatanod sa lamesa inaabangan ang umaga
baka sakali kasi dumating ka na
umabot ang taon, wala ka pa

nakita kita nakangiti hawak ng iba
oo nga pala bumitaw ka na
nilubayan ko ang lamesa
naghanap ng bagong makakasama

hindi ko namalayan nandyan na pala
nakangiti ako habang hawak nya
nakalimutan ko na ang pagtanod sa lamesa,
ang paghihintay ng mahaba

ngayon nandyan ka na..
nagbabalak, nagbabakasakali pa
na may babalikan, may makakasama
nagtatanong.. "pwede pa ba?"

tapos na ang paghihintay
patawad, nahuli ka na. wala na rin ang lamesa
wala ng dahilan para maghintay pa
mahal ko sya, sapat na siguro para tumigil ka na..



#falloutoflove

01/17/13
19:25

No comments: