Total Pageviews

Saturday, February 23, 2013

sa una lang


makakausap rin kita balang araw:

kanina, nakatayo ka sa gilid ng silya
lumapit ako at nagpakilala
hindi ko inaasahan na magsasalita ka
di tulad sa kwarto na puro pc ang kasama

sapat na sa akin ang nakikita ka
sa bawat papel na naiimprenta
inaabot sayo at dahan-dahan namumula
magtatanong ka "anong problema?"

alam ko hindi iyon ang pakay mo
gusto mo lang magsabi na..
"ganito ako mangumusta,
alam mo naman kung bakit hindi ba?"

maiiwan na lang ang mga mata ko
sinusundan ang bawat lakad mo
ang marahan na pagupo mo
dahil sa tambakin na gawain mo

oo, hanggang dito lang tayo.
hindi pulido magisip ang bawat tao
lalo na sa silid kung nasaan tayo..

No comments: