may kakilala ako.. weird sya. iba sya sa lahat. madalas ko sya nakikita dati pero ngayon kasi wala na sya sa kung nasaan ako. lagi naman kasi sya nakakapasok sa kung anong gusto nyang pasukin. matalino kasi. tipong nasobrahan na lang. nakapasok sya sa isang "mas mataas na sweldo". alam ko naman kasi kaya nya yun. ginagawa ko ito para sakanya kasi -naisip ko lang, naalala ko sya habang busy ako sa pagta-type nung nakaraan. kasi nung bago ako sa lugar sa kung nasaan sya dati eh lumapit sya sakin tapos nakipag-shakehands "hi, i am __________, and you are?"
yun ang sabi sya habang nasa kainan ako bumubili ng paborito kong cheescurls. natakot pa nga ako nung sinabihan nya ako ng "napapamali na nagagawa mo ah". naalala ko lang sya. but dont take it seriously ha. hindi ko sya nagugustuhan. okie?
alam mo kung bakit ko talaga ito ginagawa kasi naisip ko lang..
"sya kaya, iba rin sa lahat? magiging totoo kaya sya kahit nakatalikod ka?"
dun kasi sa kung nasaan kami dati maraming nagsasalita habang nakahead set ka tapos titigil naman pag tinanggal mo na. sabi nila, ng karamihan na marami magsasalita against sayo habang di na nakatingin. siguro nga. pero hindi ko pa naman talaga alam. one time, may nalaman ako na ganyan. may narinig ako tungkol sakin. kesyo ganito, ganyan. OK. KDOT. una, apektado ako. hindi naman kasi ako sanay sa ganon. kaso sabi nung katabi ko "ok lang yan, hindi ka naman nilala mapapakain" 'nga naman.
then that's why i came up writing this.. "sya kaya, totoo kaya kahit nakatalikod ka?"
kung totoo man sya. sana ganon na lang lahat. gugustuhin ko pa rin sila makasama kahit "weirdo" na sila kung sakaling maging tulad nila sya. kung ganon lahat ng tao. wala ng weirdo. hindi sya weirdo. dahil pare-pareho na lang tayo. mas ok na nga na ganon. kung pwede lang hilingin yun. para naman hindi ka nagiisip na "heto bang kausap ko, totoo kaya kahit wala ako" kung weirdo lahat tayo sa ganon na set up. well hindi tayo ang weirdo pag nagkataon. sila ang magiging weirdo, ang mga taong sa harapan mo lang magaing.
No comments:
Post a Comment