Hindi ko sinasadya na mahulog
Pero hindi ko na kayang tumayo sa pagkakalubog
Sayo'y hulog na hulog na halos nalugmok
Pag wala ka na, 'tyak ako'y durog
Ninais ko ng umalis pero di makatayo sa sahig
Hanap-hanap parin ang matatamis mong halik
Magpapatulog sa munting nasasabik
Na sa bawat gabi't-araw ay magpapahilik
Sapat na rin ang mga araw na pinagsaluhan
Sa mga ngiti ng gabing walang paglagyan
Maski ang bitwi'y nasaksihan
Ang masasabi kong tunay na pagmamahalan
Kaso.. Palagay ko kailangan ng bitawan
Baka di na kita kayang pakawalan
Na halos ipaglaban na kita ng patayan
Pano.. 'Gang dito na lang
Sana sa susunod na buhay wala ng hangganan
03/17/14
02:07am
No comments:
Post a Comment